How do I start this bloody, floody, schmolly post?
Dear Cess,
Happy birthday!
Happy Sweet Sixteen!
I hope it's floody sweet. :P
May your wishes come true.
I love you!
MWAA. :*
My personal greetings I have said through a text message. I just want to let everyone know that my super friend, Princess Karen Mendoza, just turned SIXTEEN today! :)
So, this day is her WILD RAINY celebration. Lumindol @ 2AM, according to my vampire friends who felt it. So, masamang pangitain na ba yun? HAHA. My morning is sunny, but not until 12noon struck. There were buckets of rain already, a thundering roar of the clouds, and a flash of lightning in the skies. May nag-spark pa nga sa bahay that almost scared me to death! May phobia na ko sa mga ganun no! Two times na akong may bad experience sa fire no! Napaisip tulyo ako,
"Ay! Masamang pangitain na nga ito." I had a feeling that the heavens are slightly mad. They're furious about something I don't know! :)) *It's just my crazy hypothesis, anyway.
Cess texted that our meeting time was moved from 1PM to 2PM due to some technical cloud difficulties. ;) At ayun, nagkita kami ng 1.40PM sa Pandayan Bookstore para sabay nang dumating sa Mcdo! The moment I stepped my foot at Mcdonalds, I felt nostalgic! Grabe yung flashbacks sakin nung mga moments namin sa place na yun! I do not feel exaggerated kasi sobrang unforgettable talaga yung place na yun! It had its important role in my high school, fourth year, life. Namiss ko kaagad, samantalang two weeks palang naman ang lumilipas.
And then I saw
Ami,
Tl,
Pok,
Abby Fords,
Joan, and
Ryan! Grabe sumigaw ako! Niyakap ko agad si Ryan. He was so pogi. Namiss ko siya! Pano, naka-Sun Cellular na siya. Hindi na siya nagpaparamdam sa Globe. Fordan is so pogi also! :)) Krass ko na sia nuon pa. Grabe, namiss ko silang lahat.
We had our seats, tapos chitchat lang, and then
Mikko,
Omar,
Iang,
Danilo and
Hanna came! Ayan, madami-dami na kami. Kung ano-ano nang napagusapan namin. It was so fun,I can sit there all day and just talk to them. Kaso, naramdaman kong gutom na ko. Hindi pa kasi ako naglulunch eh! Kaya ayun, I sang them to buy food already! It was a French Fries day with matching Cheeseburger Deluxe. Himala talaga, walang nag-Crispy Chicken Fillet! :D Ayun, we ate our orders with
Love Game and
Thinking Of You as our background music! Totally namiss ko mga labidabies ko. ;)
After eating, some headed to the cinema to watch Dragonball Evolution. At kaming others, we decided to walk inside the bay. Just have a walk lang, nakakamiss e. I realized, when will be the next time that we will bond like this. Siguro mahirap nang maghagilap ng sampu when college starts! We know that the clouds are getting black already.
MASAMANG PANGITAIN na talaga. Gusto lang talaga naming magboardwalk! Sabi ni Ryan, wala na daw boardwalk, kaya beachwalk na lang. OK fine! While walking, we saw Sir Buqueron and we said,
"Sir! Sembreak na namin!". Tumawa naman siya. Feel na feel na talaga namin ang sembreak. At mamimiss namin ang mga teachers!
We thought to sing in a Korean videoke place! Kaso nga lang, angexpensive! 500PHP per hour daw! Grabe ha! Limang piso lang isang kanta dun sa videoke machine! :P We also thought that it might rain super hard pag ginawa namin yun, so hokus pokus na lang kami sa lakad.





As usual, college matters parin ang laman ng mga usapan namin. Hindi na yun mawawala.
Excited na kami, na in a way
dreaded.
May nakita kaming sign...
Cha: Ano kaya yung ibig sabihin niyang "Park at your own risk"?
Ryan: Parang ano, "Sige. Mag-park ka dian. Ikaw din ang bahala!".
Cha: Waw. Sana "Mag-park ka dian, ikaw din ang bahala" na lang ang nilagay nila!
HAHAHA.
Nung malapit na kami sa Board.. I mean Beachwalk, biglang nagpapansin yung clouds. Sabi ko nga, "Isang pitik na lang sa clouds, babagsak na o." Oo, isang pitik na lang talaga, Kaboogsh na! I guess I was just not right with that, dahil hindi pa namin pinipitik yung clouds, sumabog na. Kaya ayun, to the run kami talaga sa pinakamalapit na
SILONG. Two out of 10 lang ang may umbrella samin! Tapos, si Ami at Dan din lang ang may jacket, at si Omar lang ang may suspenders (HAHA. Pinagtitripan namin siya dahil dun.) so we chose to stay under the umbrellas of the Aresi restaurant. Yun, tinry naming hintaying TUMILA ang ulan, according to Ami's vocab.




Danilo: Sino nang nakakain sa Aresi?
Amiel: Ako!
Danilo: Tara! Naiihi na ko. Kuya! Kuya! Nakakain na to diyan, papasukin niyo naman kami!
Kami: (tawa)
Amiel: Dun na lang kaya kayo sa Gerry's Grill!
(Pumunta naman nga sila Dan at Omar sa Gerry's Grill!)
Hanna: Hey guys, don't you wanna run na lang? Do you think this rain will stop?
Amiel: Sige, you run! Call us a taxi na lang!
Hanna: Angepal! I'll walk na lang.
Mikko: OK, you walk! Call a taxi parin!
Kami: (tawa)
Omar: Nakita niyo yung mga babaeng dumaan? Angduga!
Cha: Anong maduga dun?
Omar: Wala. Di man lang ako hinintay.
Kami: ???
Good news and good luck, there arrived a cab infront of us! Edi yun, we rode it. And we sang happy birthday inside the car.
Ryan: Grabe yung dala ng Year of the Ox sa 2009! April pa lang umuulan na o.
Amiel: Malakas daw umihi yung Ox kaya malakas yung ulan.
HAHAHA. Wala lang. Yung mga ganyang banat ang pinaka-namiss ko eh!



Then at the gate, the rain still poured so bad we went straight to 711 just to chill out. Naisipan naming magkape habang hinihintay na mag-stop yung ulan. Nagchikahan, nagbanatan, at nagdaldalan na kami at lahat pero unfortunately, wala ata siyang balak huminto. So ayun, bumili na lang kami ng mga umbrella. Kaming tatlo nina Mikko at Iang, bumili ng 50PHP na payong. :)) Sobra kasi talagang lakas, wala namang bagyo. Nga pala, nakita namin si Mang James! Talagang nagpapakita yung mga taong mamimiss namin a! ;)




By two's kami sa payong maliban kay Amiel! Sinugod niya ang ulan kasama ang kanyang raincoat na nakakabasa pa din naman. Kawawa. Naisip naming dapat plastic cover na lang yung binili namin! ;) Stop-over muna sa National. Paano ba naman, closed pa yung daanang may bubong! Napasabak talaga kami sa kalsada. Kasabay pa namin ang mga Hanjineers and employees na palabas na din. Siksikan! Pasabawan!
Ang tubig-ulan, umabot na sa aming talampakan. Pumasok na sa sapatos! Imaginin niyo yung kay Mikko! May medyas. EEEEW. HAHA. Tapos, tapos, edi tumawid na kami at diretsong OCIC. Yung tatlong autistic, magdo-DOTA kasi, so tumambay muna kami sa labas.
Ryan: Baskil (basang kilikili) nanaman ako o! --dahil sa ulan.
Joan: Hindi yan Baskil! Basbal. Basang balikat!
Cha: Basikat mas maganda!
Ryan: Baskod nga din ako e!
Omar: Anong baskod?
Ryan: Basang likod! Hello? Yung pick-up mo kamo andun!!
Omar: AAHH. Sorry a! Ano pala yan? (sabay turo sa basang hita ni Joan)
Joan: Bas-hita!
Ryan: Bashita! Waw, sosyal. Bashita.
Omar: Ako nga, basrif! Basang brief!
(tawa, hala.)
Mikko: Ayun o! Basoti! Basang OT! (sabay turo kay Amiel)
(tawanan lahat!)
Omar: Basboy! (sabay turo sakin) Basang baboy!
Cha: HA-HA. Ikaw din!
Omar: Basig ako e. Basang pig.
Cess: Yun. Basgong! (turo kay Dan) Basang Pagong!
Cha: Ha! Basahib! Basang talahib! (turo kay Iang)
Cess: Si Ry, Bashorse! Basang Seahorse!
Mikko: Basot! (sabay turo kay Cess) Basang bansot!
Cha: Bagay talaga kayo ni Amiel! Basoti and basot nuptial! Ganyan daw kayo ikakasal!
(tawanan)
Narealize namin na senseless na ang lahat. Kaya pagkatapos ng APAT NA BESES kong madamdaming yaya, sa wakas, nagkayayaan na ngang umuwi. Napansin din namin na kapag si AMIEL yung laughing stock namin, tawa talaga kami ng tawa. Ganyan ka namin kamahal, Ami! Pero guys, nakita niyo ba yung kababawan natin?? Sa ganyang bagay, sobrang saya na natin! I don't know if college was meant to end this joy, baka kasi college was meant to be serious. Kaya nga I will definitely miss this.. One day, alam kong mangyayari uli lahat ng to. I AM SO SURE. Pero sana, sa next na pagkikita natin, ganito padin kababaw. Ganito padin kasaya!
Joan, Cess, and I rode the same jeepney. At infairness, pati sa loob ng jeep umuulan! May butas yung bubong. GRABE. Cess and I went down on the same spot and we decided to look for Meynard in the both 711s. UNFORTUNATELY ULI, wala na siya sa mga 711! Hindi niya alam na sinugod namin ang nagbabahang Rotonda nagbabakasakali lang na makita siya!
After walking the floody bloody roads, I went straight to our house, at INFAIRNESS ULI, nagbabaha at nagsasabaw ang kalsada namin. WOOOOO.
So far, it was fun naman!
I enjoyed it kasi I was excited to see them again, talk to them again, bond with them again. Nalulungkot lang ako kasi I don't know when the next time will be. Again and again, we hafta move forward.
May nakita nga kaming mga third year and we said, "Grabe o! Fourth years na sila! Ano nang tawag satin??".
The answer, "COLLEGE STUDENTS".Gdbye, guys.
Nangangati na ko, kasi nilusong ko talaga ang baha.
I'll change muna. HAHA.
TOODLES!
Labels: bad luck, birthday, college, friends, rain