*RAMBOLAN.
I would turn night into day just because..OK. Today's one of the typical days where I woke up around 11.40AM. And slept around 6.20AM. Yeah, you're right. Sinulit nanaman namin ang magdamagang UNLINYT mula 11-6 sleeping time. E bakit ba kasi? Kung ano-ano lang naman pinag-usapan namin. We just had our heads wasted for no certain reason at all. It's just fun to hear voices over the phone, laugh and comment about anything with your friends. AYEEEE. I will devastatingly miss the phone calls this late. D:
"So it's not going to be easy. It's going to be really hard. We're
gonna have to work at this every day, but i want to do that because i want you. I want all of you, forever, you and me, everyday."
-- The Notebook.

Iisa-isahin ko mga nakausap ko kagabi:
PRINCESS - Siya ang naka-UNYT. Ako ang unang-una niyang binulabog at ako ang naghanap ng mga tatawagan para sakanya. Malamang kasama siyang abutin ng 6 at isa rin siya sa mga kapanalig na nagtulug-tulugan para hindi mahuli ni Mudrabells, Pudrabells, at Brudabells. Paulit-ulit niyang pinarinig samin ang "MAHAL NA MAHAL KO SI *TOOOOOOOOT*" na sigaw ng C.O. Pramis, anggandang ringtone talaga. ;))
JEORGE - Naka-UNYT din para mapagkasya ang 10 tao sa isang conperensiya. :) Galing pa siya sa party pero inabot din siya hanggang 4.30. Nabangag ng masyado kaya di na niya kinaya.
RALPH - Si Pastor. Wala akong ibang napansin kundi ang sabihing "Kalokohan lang lahat yan" sa bawat topic namin. Masugid na tiga-bigay ng pag-uusapan at laughing stock ng phone call. Kung ano-anong mga prinsipyo na sa buhay ang kinwestiyon niya samin. Future call center agent yan! Siya ang laging dinodrop pag may gusto kaming kausap na iba. Siya din ang tiga-bigay samin ng bckground music. Mga korning kanta. At kasalukuyan niyang tinatapos ang One True Love na movie ni DongYan. :))
THEA - Isa sa kadaldalan at tigakwento. Pinarinig niya samin ang tunog ng pagtoo-toothbrush niya at ang kanyang bangag voice habang sinasabayan ang 'Sandalan ng 6Cyclemind' na bckground music ni RALPH. Hanggang sa huli, hindi siya inantok. Pero tignan niyo naman, hanggang ngayon hindi pa siya gising.
----- YAN ANG MGA MATITIBAY. -----
----- ANG MGA SUMUNOD ANG MGA ALIVE MULA 11 HANGGANG 2 -----PHIL - Ang dalaga ng tawagan. Siya ang laging nagpapatugtog ng American Idol recordings over the phone. Kinakantahan din niya kami ng kanyang mala-(insert an adjective) na boses. Malaborbor na boses. Hindi ko alam, imbento lang ang salitang yun. Siya rin ang mga tumatawag ng mga kaluluwa ng mga taong hindi nagsasalita. And as usual, kinurse nanaman niya ang kanyang mortal underground enemy. Alam niyo na kung sino yun. Kaya ibang klase talaga nung tinawanan niya ang "MAHAL NA MAHAL KO SI *TOOOOOOOOT*" na recording. Pinaulit-ulit pa niya.
EJ - Nakatambay sa terrace nila at tinatahulan na ng aso. Dumating na lahat ng aso at pusa sa terrace nila, umiiyak na at naghihinaing, hudyat na tama na. At ayun na nga, nalowbat na siya. Salamat sa iyong oras EJ.
-----ANG MGA SUMUNOD AY ANG MGA ACTIVE MULA 11-12-----CHAMIE - Hindi siya gaanong nagsalita. May dumating kasi. AYEEEEE.
DANILO - Ni Ha ni Ho, wala kaming narinig sakanya. Ni buntong hininga o kung anoman, WALA TALAGA. Binwisit niya lang kami sa mala-karerang tunog ng keypad niya. Nagtetext kasi habang nasa usapan. Makikinig lang daw siya kasi. MALABORBOR din to!
CHACHA - Napagalitan na ni Mudrabells dahil gabing-gabi na at may kausap pa. Kinailangan din niyang magpaalam. Din-ial namin ang numero ni CJ para lang sakanya. Muhaha. :))
MIKKO - Ayan. Nakatawanan namin habang hindi pa ganuun kalalim ang gabi.
IANG - Isa sa mga unang tinawagan. Buhay na buhay pero na-cut din. Hindi na muna namin kayo iistorbohin ng ka-loving-loving mo. :P
----- ANG MGA SUMUNOD ANG MGA NAGPARINIG LANG NG MAHIWAGA NILANG BOSES-----ARMI - Nakausap namin ng 5AM. Kakagising lang kasi niya.
TER - Nagising din ng 5.30AM. Bibyahe papuntang airport. Pinarinig niya samin ang AM Radio nila sa sasakyan.
THONI - Party people na to eh. Busyng-busy sa gimmick kaya binababaan lang kami parati.
SAMANTHA - Nagpatawag pero matutulog na din. Maaga daw siyang gigising.
KATO - Isa pa to. Sinagot lang ang phone para sabihing matutulog nadin daw siya.
----- TAPOS. FIN. THE END. -----Enjoy naman. Napag-usapan din kagabi kung OK lang bang maligo kapag puyat. At ang sagot:
Hindi daw, kasi bababa yung dugo mo.Kaya hindi pa ko naliligo ngayon. Maya-maya nalang. :P
TOODLES.
Labels: late night, phone calls