WAG. WAG MO KONG KAUSAPIN. ISA AKONG BALIW.

I'm sad and I need a hug. :|Nalulungkot ako, kasi sobrang namimiss ko na ang RS. Gusto kong umakyat sa school bukas. Kasama ng aking lovey dovey friends, pero dahil mageenrol ako sa Thursday, pinapaluwas ako ni mommy bukas. :| So sad.. Mukang matatagalan bago ko makita uli ang RS.
Anyway, as if I have a choice. Kasama na to sa pagmomove forward ko. Panandaliang kailangan ko munang dumistansya sa mga tao at lugar na nakasanayan ko. There are new persons and places to meet.. PFT.
Hay. Ewan! Hassle nanaman bukas. At dahil marunong na kong lumuwas mag-isa, pinapasolo flight na talaga ako ng nanay ko!! Nakakalungkot kaya bumiyaheng mag-isa no! Tapos, hinahayaan niya na talaga ako. Pati sa enrolment gusto niya ako nang gagawa. Well, ako naman talaga dapat, pero pleeeeeeeeeeeease naman. Next time na lang!!! :| Tinatamad akong magkikilos ngayon e. Nakakaasar.
Magsosolo tour pa ko sa Ateneo!! Feeling ko talaga, dahil hindi natuloy ang Orsem bago magpasukan, nasira na ang buong college life ko. :| Dahil walang orientation, I have to find out things for myself, which is a super hassle!! Wala namang gustong sumama sakin. Kailangan ko ng tour guide sa loob ng Ateneo. Oo, alam ko, pwede ko namang gawin mag-isa. Pero kasi.... anglungkot kasing gawing mag-isa ang mga bagay!! Pipila ako sa Thursday para magbayad ng tuition. Mag-isa ko nanamang haharapin ang lahat. Wala nanaman akong makakausap kundi ang sarili ko. ARG. Hindi naman halatang batung-bato at sirang-sira ang pananaw ko sa buhay, no?
Ewan ko ba. Anliit na bagay, pinapalaki ko! Dahil kasi, things turned sour. Dahil hindi natuloy ang aking expectations, I am bitter!! Ewan ko ba, nasisiraan na yata ako ng bait. Dati lang sobrang excited ko nang magcollege. Ngayon nawawalan na ko ng gana. Gusto ko dito na lang ako sa bahay. Magrerestaurant city ako buong magdamag. :|
Pero dahil ayokong pumasok ng walang kaalam-alam, wala din akong choice kundi maglayag bukas! Ayoko din namang magmukhang kawawang batang nawawala sa first day. Hay talaga. Bakit ba angdepressed-depressed ko?? Hindi naman ako ganito! Siguro masyado ko lang miss ang mga tao. At masyado akong mapag-isa. Wala kasi akong makausap dito sa bahay. Yung mga sutil at makukulit kong kapatid, nagsipasok na. Napag-iwanan na ko. At iiwan ko na sila sa linggo. Isa sila sa mga pinakamamimiss ko. :|
Mag-eenjoy na lang ako bukas. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng pag-eenjoy. Nakalimutan ko na. Hindi ko kakalimutang bumili ng bubble gum para kahit papano may ginagawa ako sa bus. Balak ko ding patayin yung selpon ko, dahil ayokong mabalitaan na naging masaya ang mga kaibigan ko sa pagkikita-kita nila at pag-akyat sa school. Gusto kong maggala pagdating sa Maynila, pero wala akong pera. Feeling ko masasagad sa transportasyon ang dala kong pera.
Hay buhay. Ang ayos ayos na ng buhay ko dito, magugulo nanaman. Ilang araw nalang panibagong mundo nanaman. Pffffft. OH KOLEHIO, ILUWA MO NA AKO..
Ayoko pading mag-P.E. :| Ayoko pading mag-P.E. Sawang-sawa na kong magreklamo. Sawang-sawa na kong magreklamo! Kailangan ko lang siguro ng pagmamahal. Kailangan ko lang siguro ng pagmamahal. Mukha na kong tanga dito. Mukha na kong tanga dito.
"Free your mind and the rest will follow!
Be color blind, don't be so shallow!"
-En Vogue
*SIRA-ULO!
*TOODLES.
Labels: college, depression, random