
Nakakainis! Dahil sa Swine Flu virus, mamomove ang orsem namin sa July 3 and 4! Oo, yung orientation namin sa July pa! Pero yung first day of classes namin sa June 15 na! Paano kaya yun??? Magic!
Hindi ko naman sinisisi yung committee kasi wala naman silang kasalanan kung bakit kailangang mapunta dito yung virus! Pero sinisisi ko talaga yung SWINE FLU VIRUS at lahat ng mga taong nagdala nun dito sa Pilipinas!!! Sinira niyo ang lahat ng pangarap namin bilang college freshmen! HAHAHAHA. Charot. :P
E pano ba naman kasi. Anchaka-chaka! Planado na lahat ang dates ng aming pagsasaya! Excited na nga kaming maki-participate at lahat! Sabay, dumating naman yang swine flu virus na yan!! Nanadya daw ba talaga!! >:|
Paano na ang aming magandang kinabukasan???? OA ko a! :))) Pero sige na. Para namang may magagawa pa ko kung magpapakabitter ako dito. Iisipin ko na lang na gumanda ang buhay ko sa pagkakalipat ng araw ng Orsem. Kunwari may nangyaring productive sa aking musmos na buhay para kunwari din natuwa ako. HAY TALAGA.
At dahil diyan, sige, gagala muna ako bago magpasukan. Kapag ako ay nabundol o nasagasaan, tandaan niyo, idemanda niyo yung SWINE FLU VIRUS!! Dahil imbis na mabundol ako sa paggagala, dapat nasa loob lang ako ng Ateneo at nakikitakbo kasama ang mga blockmates ko! Dapat nag-eenjoy na kami! (Pero kung iisipin, mas mataas yata ang posibilidad na masagasaan ako sa loob ng Ateneo. HAHAHA. Joke.)
Ay, ewan! Basta atat na kaming matuto. Wala na kasi kaming natutunan mula nung December 2008. Matagal na yun a!! Isipin niyo na lang, anim na buwan nang bulok ang utak ko! Inaagnas na! Medyo sinisisi ko yung high school ko. Pero wala din akong magagawa, dahil tinatamad din naman akong mag-aral nung mga panahong yun. Kaya nga atat na ako ngayon e! Kasi alam kong hindi ako tinatamad! Bahala kayo pag tinamad na ko. :)) Sinong tinakot ko? HAHA.
Tignan mo naman! Kolehiala na nga ang tema ng blog ko, puro katamaran padin ang ipinapalaganap ko sa mundo. Hindi naman ako nagpapatawa, ano? Pasensya na kung masyado akong nababaliw ngayon. Eto ang sinasabi kong productive na nangyayari sakin nang nalaman kong moved na talaga ang ORSEM namin. Napakasarap kong batukan!
Anyway, masaya naman ako! Wala na kong sakit, at nakagala akong mag-isa sa ManilAMP kahapon! Inulan ako at ginahasa ng baha! Ginahasa din ako ng kahihiyan dahil nag-acrobat ang aking payong! Wala namang pumalakpak. :)) Hay, nakakabaliw!
*TOODLES NA NGA. Kinalat ko lang ang balita. Hindi ko alam kung sinong matutuwa!
Labels: college, hate, Orsem 2009, Swine Flu virus